Pagbabago
sino ako… bukod sa pagiging peminista, abogada, kaibigan, kapatid, anak, babae at taong iyong iniibig… sino ako? sino ang tunay na ako? kung magbabago ang aking anyo, masasabi mo pa ba na ako si gina?
kung magbabago ang aking ugali… ang aking mga paniniwala at adhikain sa buhay, ako pa ba si gina na nakilala mo… marahil hindi na di ba? pero sino ba talaga ako? ibig sabihin ba na pag nagbago ako, tuluyan na akong magiging ibang tao? tuluyan na bang mabubura ang tunay kong pagkatao?
mahal mo ako dahil kilala mo ako. paano pag ang ako na nakilala mo nag iba na? magagawa mo pa rin bang ipagpatuloy ang pag ibig mo? magagawa mo pa rin bang matanggap ang panibagong ako?
oo, mahal mo ako ng buong puso… naiiintindihan ko ang mga katagang ito… hindi mo na kailangan ulitin pa…mahal mo ako bilang ako. wala akong duda diyan… naniniwala ako.
pero paano kung ang ako na nakilala mo noon ay tuluyan ng naglaho at nagiba? mamamatay rin ba ang pag - ibig mo o tuturuan mong muli ang sarili mo na mahalin ang panibago kong pagkatao?
July 25th, 2009 at 6:47 am
i printed everything… truly inspirational